|
Gumawa ako ng tula para sa babaeng nakita ko sa bus, lumabas ang aking pagka Neruda nang makita ko siya. Sana ay magustuhan niyo ito. Kakagawa ko lang hehe. =)
Ang babae sa bus
Ako ay na-inlab sa babae sa bus
Wala akong nagawa kundi lumingon
Nang makailang beses ngayon
Sa gawing kaliwa ng aking kinalalagyan
Habbang pababa ay sinabayan ko siya
Sa aming pagtayo ay nasa harap ko na siya
Ngunit hanggang titig na lang nga ako
Swerte ko dahil malapit lamang siya
Paglapag ng aking paa sa kalye sa aking pagbaba
Tiningnan ko siya sa aking harapan aba
Ako ay nalugmok dahil siya ay sa kaliwa pumaroon
Ako naman ay sa madilim na kanan paroon
Tumawid ako papuntang terminal ng jeep
At hindi ko maalis sa aking isipan
Ang napakagandang dilag na mukhang diyosa
Ang babae sa bus o kay ganda
Nagbayad ako ng sampung piso sa tsuper
Sabi ko ay etudyante at inabotan ako ng apat na piso
Paglagay ko ng sukli sa aking pitaka na walang laman
Ako ay nagulat sa aking nakita
Paglingon ko sa kanan ay sumakay ang babae
Hindi ko masabi ang aking naramdaman
Naghalong tuwa at kirot dahil nasilayan ko ulit
Ang kagandahang kaakit-akit
Tiningnan ko siya pero hindi niya ako napapansin
Para bang anghel na pauwi sa kanyang langit
O Dios ko ang cute niya sobra
Amfness talaga!!!
Bumababa ako ng jeep ng sobrang lungkot
Tumawid ng ilang hakbang sabay lingon palayo
Sa jeep na kanyang kinalalagyan na malayo na ang dinaanan
At hindi ko na maaninag ang anghel na aking nasilayan
Sumakay ako ng trycicle pauwi ng tahanan
At naaninag ko sa aking isipan
Ang babae sa bus
Na ang alam ko lamang
Na siya ay taga Casimiro
|